Kompiyansa ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makakapag-host ang bansa sa 2023 World Cup, basta tulong-tulong ay wala anilang imposible.
Magsasama-sama ang mga leader ng tatlong bansa, determinado ang SBP na mananalo sila sa bid pagbiyahe sa Switzerland para sa krusyal na presentation sa harap ng FIBA Central Board sa Disyembre 9.
Nagsama-sama ang Philippines, Japan at Indonesia upang tapatan ang naghahangad din na South American countries Uruguay at Argentina.
“They want to raise the level of the World Cup every year,” saad ni SBP president Al Panlilio kahapon sa naganap na press conference sa Meralco Compound sa Ortigas.
Nasiyahan ang FIBA sa hosting noong 2014 sa Seville at nais nilang ibigay sa China ang pag-host ng nasabing event sa 2019.
Kaya naman hinihiling ni Panlilio na tulungan sila gamit ang social media accounts para maipakita ang kanilang determinasyong dalhin dito sa Pilipinas ang 2023 World Cup.
“I think it will be very big, that’s why we’re asking for your help to show the interest so that we can show the numbers to Fiba. We want them to bring (the World Cup) here,” ani Panlilio.
Sakaling masilo ng Asian nations, ilalarga ang mga laro sa Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena, at sa semifinals at finals ay gaganapin sa 50,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ang ibang group round games ay ilalaro sa Okinawa, Japan at Jakarta, Indonesia.