Naniniwala si Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen dapat mayroong consultative perso­nality ang susunod na mauupo bilang punong mahistrador ng hudikatura.

Sa deliberasyon ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa magi­ging kapalit ng magreretirong si Chief Justice Lucas Bersamin, binigyang-diin ni Leonen na mahalagang may consultative personality ang mapipili dahil kaakibat aniya ng trabaho ang malawakang pakikinig sa kanyang mga kapwa mahistrado at mga court personnel.

Dapat din aniyang ipagpatuloy ng punong mahistrado ang e-court para maging epektibo ang mga korte sa bansa gayundin ang pag-monitor sa integridad at kakayahan ng mga mi­yembro ng Philippine Bar mula sa mga abogado hanggang sa mga hukom at mahistrado.

“The intellectual leadership shows not only in what he or she writes, the intellectual leadership shows in how he or she is able to bring ideas together for he or her to step back a little from his or her own position and be humble a little and allow the other­s to show where they are and then come out with a solution. That requires a lot of listening,” ayon kay Leonen. (Lorraine Gamo)