Pinayuhan ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang lahat ng mahistrado na pinangalanan ni Pangu­long Rodrigo Duterte na sangkot sa operasyon ng iligal na droga na huwag sumuko sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Sereno na hangga’t walang warrant of arrest laban sa mga ito ay hindi dapat sumuko sa mga awtoridad.

Paliwanag ng Pu­nong­ Mahistrado na layon nito na maprotektahan ang mga huwes sa ilalim ng Konstitusyon.

Hiniling din ni Sereno­ kay Pangulong Duterte na payagan ang mga huwes na ipagpa­tuloy na magdala ng baril hangga’t wala namang kasong isinasampa laban sa mga ito para mailayo sila na maging target ng extra-judicial killings.

Una nang hiniling ng SC sa PNP na payagan ang mga huwes na magdala ng baril dahil sa walang bodyguard ang mga ito para sa kanilang proteksyon.

Kaugnay nito, ipinag­tanggol din ni Sereno ang mga huwes sa pagsa­sabing wala sa pitong pinangalanan ni Pangulong Duterte ang sangkot sa operasyon ng iligal na droga batay sa imbestigasyon ng SC.

Nakasaad ito sa apat na pahinang sulat na ipina­dala ni Sereno kay Duterte na ipinadaan sa pamamagitan ni Department of Justice (DOJ) Secretary ­Vitaliano Aguirre III na agad naman nitong tinanggap para sa Pangulo.

Sa liham ng Punong Mahistrado, sinabi nito­ ang kanyang saloobin kaugnay sa ginawang­ public declaration ni Duterte sa mga sangkot sa iligal na droga kabilang na ang pitong hukom.

“However, Mr. President, a premature announcement of an informal investigation on allegations of involvement with the drug trade will have the unwarranted effect of rendering the judge veritably useless in discharging his adjudicative role,” sabi ni Sereno.

“Thus this Court has been careful, all too aware that more often than not, a good reputation is the primary badge of credibility and the only legacy that many of our judges can leave behind,” aniya.

Kabilang sa mga huwes na binanggit ni Pa­ngulong Duterte na sangkot, aniya, sa iligal na droga ay sina Judge Mupas, Dasmariñas, Cavite; Judge Reyes, Baguio City; Judge Savilo, RTC Branch 13, Iloilo City; Judge Casiple, Kalibo, Aklan; Judge Rene Gonzales, MTC; Judge Natividad, RTC Calbayog City; Judge Ezekiel Da­gala, MTC, Dapa Siargao.

Nabatid na si Mupas ay nasibak sa puwesto noong 2007 habang pinagbabaril naman hanggang sa mapatay noong 2008 si Natividad samantalang si Gonzales ng Iloilo Municipal Trial­ Court ay nagretiro na noong Enero 2016.

19 Responses

  1. Noong panahon ng amo ninyong dilaw dami patayan at panggagahasa dahil sa druga. Bakit hindi tatalak itong #KorteSuprema. Aba eh paimbestigahan ninyo ung nangyari sa Hacienda Luisita Masaker. Kau mismo ang dumungis sa reputasyon ng kataas taasang hukom. Alam na alam na ng sambayanang Pilipino kung sinu ang pinagsisilbihan ninyo! Mga inutil kau! Walang silbi! Nagsisilbi lang kau sa iiisang angkan! Yang protesta ni BBM bakit hindi pa ninyo yan madesisyonan? Kahit iniignore na kau ni Leny lugaw ok lang sa inyo. Hindi ba malaking insulto yan?Bakit parang wala kaung magawa para mapadali ang kaso na yan diba may kapangyarihan kau para mapabilis ang kaso? Bobo ba kau na hindi ninyo madesisyon iyan eh maliwanag pa sa sikat ng araw pandaraya ng mga dilaw. Anu ba hinihintay ninyo Korte Suprema? Ang utos ba ng boss nu? Wala pa bang desisyon ang boss nu about sa case na yan? Aba eh masyadong obvious naman kau. Huwag ninyo gawing TANGA ang mga Pilipino! Wala kaung magandang legacy na maiiwan at maalala ng taumbayan. Ang legacy na maiiwan ninyo ay isa kaung tuta din ng dilaw na gawin ang lahat kahit kasiraan na ng buong ahensya ay susunod at susunod sa utos ng nakakataas ninyo. Ang batas na sinusunod ninyo ay batas at dikta ng mga dilaw, hindi ang constitution na sinumpaan ninyo! Bakit hindi na lang kau makipagtulongan sa Presidente para naman gumanda ang imahe ng Pilipinas from the past administration para naman merong maalala ang taumbayan na ginawa ninyong maganda.

  2. Anu yan exempted kayo mga juwes punyeta ka sereno appointed ka lang bruha ka….di ka naman kagalingang SC. Mukhang bobo ka naman….letche ka!

  3. hoy sereno, abogado ka ba o abogago? sabi ni pres duterte, ung pinangalanan nya, sinabi nya na please report to your immediate head. hindi kailangan ng warrant of arrest. palibhasa appointed ka ni abnoy.

  4. You are too naive Justice Sereno. The police blackmails the drug pushers or drug lords whose protectors are unknown with a warrant of arrest. The judges who issue these warrants get a cut of how much the police will receive from the phony arrests of these drug celebrities. Tanungin mo ang mga police na nasangkot sa listahan. Obviously, you are trying to cover your own arse.

  5. KAYA NGA GALIT ANG MGA MAHIHIRAP NA NAKUKULONG…KARAMIHAN KASI KUNG WALA KANG PANG ABOT SA JUDGE… SIGURADONG KULONG KA…PERO YUNG MGA MAY MAIAABOT SIGURADONG MAKAKALAYA PA ..KAHIT NA KITANG KITA ANG KRIMEN NA GINAWA….

  6. Maam Cereno? sgurado ka po bang walang sangkot sa mga yan…???

    ito isang tip para sa inyo…. isang ass. justice ng court of appeals … na ngayon ay Representative somewhere in the Visayas… malaki ang kinalaman sa DRUGA… di pa napangalanan ni Duterte yan.. pero malamang kasama sa re-validation yan… at ang totoo…?? oo sangkot yan….
    kilala ko ba si ass.justice? oo, at close friend ng tito ko…

    1. mga bobotante o supporters sa kabaluktutan, wala namang sinasabi kung totoo o hindi ang akusasyon. pinapatigil dahil kung ano man ang rason kundi kelangan lang idaan sa tamang proseso at di dapat dakdak lang ng dakdak. nawawala na ang mga puso at matinong kaisipan nyo dahil lang sa idolo nyo. di naman sya Dios para sundin nyo lahat pinagsasabi nya, not unless mga paid trolls kayo. alam namin na malaki binabayad nila sa mga tulad nyo online warriors kaya talamak kayo online sa lahat ng mga kasinungalingan. darating ang panahon na singilin kayo ng inyong konsensya, pero pano kung huli na ang pagsisisi? matakot kayo sa taas.

  7. Kaya siguro ayaw pasukuhin baka ikanta sya .Kaya nagkakandileche ang pinas dahil puro Rule of Law ang gusto ng mga ungas na ito eh.Bakit ba kapag alam nyong nakakakabuti sa bayan bakit hindi muna natin kalimutan ang batas na alam naman nating marami rin namang butas ito.Katulad na lang ng pagbibigay ng TRO sa CURFEW halos lahat ng mga magulang ay pabor dto at ang ginawa ng SC pinahinto ito.Tangina talagang ayaw ng pagbabago ng mga UNGAS na ito.

      1. Ale kung ayaw mo sa pamamalakad ni Pres. Digong bakit di ka lumayas sa Pinas .Kayong mga dilawan ang ayaw ng matinong pamamalakad o baka naman isa ka ring ADIK o PUSHER.