Nagkakaiba-iba rin ng pananaw ang mga mahistrado sa isyu ng pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).
Sa oral argument na isinagawa kahapon na inumpisahan ng alas-11:00 ng umaga at tinapos ng alas-5:30 ng hapon, umani ng mabibigat na tanong mula sa SC justices ang mga petisyon na kumokontra sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB.
Kabilang na rito ang mga katanungan sa legal na depenisyon kung sino ba ang dapat na ikonsiderang isang “Bayani” gayundin ang isang batas na ang ginawang basehan sa paglikha sa LNMB.
Ayon kay Justice Presbitero Velasco Jr., walang pormal na deklarasyon na nagtatalaga sa LNMB bilang national pantheon at wala ring Board of the National Pantheon.
Aminado naman si Atty. Barry Guttierez, isa sa kinatawan ng nagpetisyon na wala pang legal batayan ang pagdedeklara ng LNMB bilang isang National Pantheon sa ilalim ng Proclamation No.431 inaprubahan ni dating Pangulong Elpidio Aquino.
Tinutukan naman ni Associate Justice Teresita de Castro ang kontrobersiya sa petisyon ng pangalan ng Libingan ng mga Bayani dahil kung pagbabasehan umano ang mga inilabas na “issuance” makikita na ang layunin ng LNMB ay para magsilbing “war memorial”. Hindi rin umano lahat ng nakalibing dito ay mga bayani.
Aniya, karamihan sa mga nakalibing sa LNMB ay may military connections at maging ang mga asawa ng ilang dating defense secretaries ay nakalibing doon.
Sinabi naman ni Justice Jose Portugal Perez na kung pagbabatayan ang 16 milyong bumoto kay Pangulong Rodrigo Duterte, para na ring pinayagan ng nakararaming botante ang paglilibing kay Marcos sa LNMB. Aniya, naging bokal si Duterte sa pagsasabing ipalilibing niya sa Libingan ng mga Bayani si Marcos noong kampanya subalit sa kabila nito ay ito pa rin ang nahalal na Pangulo.
Ipinunto naman ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi kuwalipikadong mailibing sa LNMB si dating Pangulong Marcos dahil napatalsik ito sa kanyang posisyon.
… hindi n oral arguments ang tawag nyan kung wlang sasalungat sa usapan hahaha
katarantaduhan yan ng mga dilawan,,, noong buhay si Apo bakit hindi pinapabalik para maipagtanggol ang sarili nya? .. Anong dahilan para pigilin pa ang malibing sa tamang libingan,,,, kagaguhan na yan.. SC bakit may biktima ng ML. gago ba kayo kung nag pasakop kayo ,, hindi kayo mabibiktima ,, mga gunggong,, Sino ang namamayani sa ngayon ,,, yung bang biktima O yung mga mayayamang kapuso ng mga Aquino,, ?
mas gunggong k pla, paulit ulit ng nakadyaryo kung bakit ayaw ipalibing si apo macoy sa LNMB hindi kb nagbabasa?
sino ang may ayaw ,, kayo naloko ni Aquino at mag gagong dilawan
Bobo ka pala! Paano pang mabubuhay ang Apo Makoy mo eh may sakit nga itong LUPUS. Kung hindi mo alam ang LUPUS dahil bobo ka nga, research mo sa google. At ungang una, hindi nga bayani ang Apo mo. Bayaning huwad lang naman si Ferdinand Marcos na sangkaterba ang ipinapatay noong Martial Law. Ay naku! Bakit ba ang daming bobo sa Pilipinas.
gungong ka pala eh.. nung pinalitan nyo ng dilaw ,, napaayos ba o lalong naloko ang bansa ,, lol