Nagpalabas ang Supreme Court (SC) ng Writ of Kalikasan para protektahan ang marine environment sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Batay sa en banc ruling ng SC, pinagbigyan nito ang petisyong inihain ng Integrated Bar of the Philippines at ng mga mangingisda mula sa Palawan at Zambales para mapigilan ang mga paglabag sa environmental laws ng bansa sa karagatang sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa nasabing petisyon, iginiit ang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa mga aktibidad ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea na isa umanong paglabag sa Convention on International Trade in Endanger Species of Wild Flora and Fauna, Fisheries Code of the Philippines at Presidential Decree No. 1586 o Establishing the Environmental Impact Statement System in the Philippines.
Nakasaad sa petisyon na pinabayaan ng ilang opisyal ng gobyerno ang pangangalaga sa Panatag at Ayungin Shoal ganundin sa Panganiban reef.
Nabatid na ang Panatag Shoal ay matatagpuan sa Masinloc, Zambales habang sa Kalayaan, Palawan naman ang Ayungin Shoal at Panganiban Reef.
Alinsunod umano sa ruling ng Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 12, 2016, ang Ayungin Shoal at Panganiban
Kabilang sa mga respondent sa isinampang petisyon sa SC ay ang mga namumuno sa Department of Environment and Natural Resources, Department of Agriculture, Department of Justice, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Philippine National Police-Maritime Group. (Juliet de Loza-Cudia)