Tatlong construction workers ang sugatan makaraang aksidenteng bumagsak ang tinutuntungan nilang scaffolding sa ginagawang gusali sa Barangay Tejero, kahapon ng madaling-araw sa Cebu City.
Kinilala ang mga biktimang sina Jessie Revillas, Sanico Sario, at Jondel Villaver, pawang residente ng nasabing barangay.
Base sa report ginagawa ng tatlong biktima ang may apat na metrong taas ng scaffolding ng Lite Shipping Corporation sa MJ Cuenco Avenue nang bumigay ito dahilan para mahulog ang mga ito.
Dahil sa aksidente, agad naman ipinatigil ang konstruksiyon na natuklasan ding walang permit para mag-operate.