Scam! PLDT-MVP pinutakti sa makupad na internet

Trending sa Twitter Philippines ang telecommunications company na PLDT na pag-aari ng bilyonaryong si Manny V. Pangilinan dahil sa pagkabanas ng mga netizen sa kupad umano ng sinu-supply na internet nito.

Tinawag nilang ‘world stupid & slowest internet provider’ ang kompanya.
“Worst Internet provider ever! Shitty customer service! Crappy employees! Always auto-answer is “IFOLLOW-UP NAMIN PO, Eto ticket number!” For the nth time from october 30 till now ayan lang naririnig namin! World Stupid & Slowest internet Provider,” galit na reklamo ni @Iamasromwell.

Ihalintulad naman sa pagong ni @beau­xiee ang slow internet connection ng nabanggit na kompanya.

Tinawag naman ng iba na scammer ang PLDT dahil sa pino-promote na matataas na MBS internet speed pero mabagal ang da­ting sa mga subscriber.

“So, they suggested we contact THEIR subcon to have it installed. So we did. They asked for 12k to get it done. TWELVE F***KING THOUSAND PESOS! Plus shoulder na namin ang PE pipes and couplings. WHAT THE F*** PLDT!!! You are fucking scammers!” tweet ni @theycallmejae.

Tinangkang kunan ng pahayag ang PLDT subalit wala rin silang sagot. (Issa Santiago)