Scarlett Johansson dinenay si Tom Cruise

Nagsalita si Scarlett Johansson, 33, isang American actress at singer hinggil sa umano’y nag-suggest siyang mag-audition para lang makipag-date sa actor na si Tom Cruise. Matagal na ang isyung ito, pero muling nabuksan nang um-appear siya sa U.S. newswoman Megyn Kelly’s daytime TV show. Si Johansson ay isa sa cast ng Avengers kung saan ang character niya ay si Black Widow.

Sinabi ng former Scien­tologist na si Brendan Tighe na nakita niya ang pangalan ng aktres na naka-line up sa listahan ng mga babaeng gustong makipag-date kay Cruise nang mag-breakdown ang marriage life nito sa aktres na si Nicole Kidman.

Agad na sinabi ni Johansson na crazy ang alegasyon. Aniya: “The very idea of any person auditio­ning to be in a relationship is so demeaning. I refuse for anyone to spread the idea that I lack the integrity to choose my own relationships. Only a man, aka Brendan Tighe, would come up with a crazy story like that.”

Sinabi ni Tighe sa host ng show na si Kelly na nakita niya ang listahan ng mga prospect ni Cruise nang siya ay miyembro pa ng actor’s Scientology security unit. Tanging ang pangalan lang daw ni Johansson ang kanyang na-recognize. Pinabulaanan naman ito ng Scientology official na si Karin Pouw.

“Brendan Tighe was a Church of Scientology Flag Service Organization security guard/night watchman from 2002 to 2009. The access he boasts of having was largely limited to viewing security cameras from a guard booth. He was removed from that position for dereliction of duty,” ani Pouw kay Kelly.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na mag-date sina Johansson at Cruise. Instead ang actor ay kay Penelope Cruz na-link, pero kay Katie Holmes ikinasal nu’ng 2006. Ngayon ay divorce na sina Katie at Cruise.

Si Black Widow actress naman ay ikinasal kay Ryan Reynolds nu’ng 2008 hanggang 2011 at kay Romain Dauriac ng 2014 to 2017. Lately, si Johansson ay currently dating sa comedian actor na si Colin Jost.