Mawawalan ng kuryente ang buong Olongapo City sa darating na Martes ng umaga, ayon sa Olongapo Electric Distribution Corporation (OEDC), ang lokal na supplier ng kuryente ng nabanggit na lungsod.
Magsisimula ang brownout ng alas-kuwatro ng madaling-araw na tatagal ng kalahating oras at may pahabol pa na kalahating oras mula alas-5:45 hanggang alas-6:15 ng umaga dahil sa gagawing power shifting sa transformer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kanilang sub-station sa lungsod.
Humingi naman ng pang-unawa si OEDC information officer Dorothy Agarin sa publiko dahil ang magaganap aniyang brownout ay bahagi ng pagsasaayos ng electrical distribution system ng lungsod.