Kawayan na baso, bao naman ng niyog ang ginawang tasa at dahon ng saging bilang plato ang ginagamit sa school canteen ng Bulata National High School sa Cauayan, Negros Occidental para i-promote ang kulturang plastic-free sa mga estudyante at guro.
Ito ang bagong kainan na ginagamit ngayon ng may 400 estudyante at guro ng naturang paaralan.
Ang naturang konsepto ay hinango sa “Wala Usik” Sari-Sari Store,na inisyatibo ng Philippine Reef and Rainforest Conservation Foundation Inc. (PRRCFI) sa pamamagitan ng Sea Waste Education to Eradicate Plastic program (SWEEP).
Ang “Wala Usik” ay isang Hiligaynon phrase na ang ibig sabihin ay “zero-waste” o “nothing-is-wasted”.
Ipinatupad ito ni BNHS principal Eiggy Duller Yap sa kanilang school canteen matapos dumalo sa Danjugan Island’s Marine and Wildlife Camp noong nakalipas na buwan.
Naniniwala si Yap, na ang mga plastic pollution ay nakakasira ng kalikasan .
Pininturahan rin ang dingding ng BNHS “Wala Usik” canteen ng.makukulay na marine life na may temang “More Fish, Not Plastic” ma ginawa ng mga volunteers mula sa Association of Negros Artists.
Noong Abril ay inilunsad rin ng PRRCFI ang “Wala Usik” sari-sari store sa Barangay Bulata na ngayon ay nasa walong tindahan na nag ooperate sa Negros Island. (Juliet de Loza-Cudia)