Schools of the Future in Technology isinulong

Inihain kamakailan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Kamara ang House Bill 9142 na naglala-yong itatag ang ‘Schools of the Future in Technology (SOFT)’ bilang haligi ng ‘basic education’ ng bansa at “magbibigay sa magaaral ng mga kaalaman sa makabagong teknolohiya para ihanda sila sa mga hamon ng ekonomiya at trabaho sa hinaharap.”

Pinamagatang ‘Philippine Schools of the Future Technology Act (PSOFTA) of 2019,’ sasagutin ng HB 9142 ang napipintog “technological and knowledge gap” na lilikhain ng nagsimula nang ‘Fourth Industrial Revolution’ na inaasahang “didiskaril sa mga ‘traditional business and employment models’” at gagawing laos ang ilang propesyon at bubura sa trabaho ng mga manggagawa sa ilang sektor na ang mga gawain ay gagampanan na ng mga makina.”

Binanggit ni Salceda ang ilang mga pagaaral na nagsasabing sa t­aong 2025, kalahati ng mga gawain ngayo­n ay buburahin ng “automation” dahil sa pagsulong ng teknolohiya sa lahat ng aspeto ng lipunan. “Mga 65% ng kasalukuyang mga gawain ang mawawalang saysay sa loob lamang ng dalawang taon dahil sa makabagong mga teknolohiya, at bibilis pa ito sa hinaharap” dagdag niya.

Kung hindi makakaagapay sa parating na ‘digital economy’ ang mga manggawa sa hinaharap, marami ang mawawalan ng trabaho, babagal ang ekonomiya, marami ang maghihirap, “ngunit ang kaalaman sa teknolohiya ng mga kabataan ay magbibigay sa kanila ng pagkakataong makapaghanap buhay,” paliwa-nag niya.