Schroder siklab sa 2nd half, Thunder pinasabog ang Spurs

Pasabog ang pagpapakita ni reserve guard Dennis Schroder, tinuhog ang lahat ng kanyang 19 points sa second half para itulak ang Oklahoma City Thunder sa 122-112 panalo kontra San Antonio Spurs.

Ngayong season ay tumitira lang ng 32 percent mula sa field si Schroder at naga-average ng 10.4 points.

Sabado nang gabi, walang pumasok sa unang apat na bato niya sa first half bago kumonekta ng 8 of 13 pagkatapos ng break.

“I just stayed aggressive,” aniya pagkatapos. “My teammates kept giving me confidence. You know, ‘Keep shooting, keep doing you.’ I think I did that tonight in the second half.”