Tanaw na ni LeBron James ang likod ni Michael Jordan sa NBA scoring record.
Sa itinatakbo ng laro ni LeBron, bago matapos ang 2018-19 regular season ay puwede pa niyang lagpasan si MJ.
Kulang na lang si LeBron ng 211 points para laktawan si Jordan (32,292) sa No. 4 spot ng scoring sa kasaysayan ng NBA.
At sakaling makumpleto ito ni LeBron, lahat ng nasa top 4 spots ng scoring list ay ookupahan ng players na naglaro sa Los Angeles Lakers.
No. 1 si Kareem Abdul-Jabbar (38,392), No. 2 si Karl Malone (36,928), No. 3 si Kobe Bryant (33,643) at si LeBron, kung sakali.
At huwag lang mag-iiba ang laro ng teams sa susunod na dalawang buwan, tatapusin ng liga ang season na may highest scoring average at fastest pace sa nakalipas na 30 years.
Sa datos, nag-a-average ang teams sa kasalukuyan ng 110.7 points at 100 possessions per game.
Ito na ang best scoring number sapul noong 1984-85 (110.8 points per game), at fastest pace mula 1988-89 (100.6 possessions per game).
Lahat ng 30 teams ay humahagibis para mag-average ng at least 100 points per game ngayong season. Noong 1986-87 huling nag-average ng 100 ang bawat team sa liga, pero 23 pa lang ang prangkisa ng NBA noon.