Tuwang-tuwa ang mga basketball fan lalo na ang mga tagasunod ng Barangay Ginebra San Miguel nang dumayo ang lodi nilang sina Earl Scottie Thompson at Aljon Mariano sa Siargao.
Pero bukod sa pagdalaw sa kanila ng dalawang Philippine Basketball Association star, doble-saya ang kanilang nalasap dahil nagkaroon sila ng tsansang makalaro ang kanilang mga idolo nang makilahok ang dalawang basketbolista sa papawis na laro sa isang basketball court sa lugar na kilala sa surfing.
Kita sa Instagram video na nilabas mismo ni 6-foot-1 guard Thompson na naglalaro sila ni Mariano sa court, na tila at home dahil mga nakatsinelas lang.
Bumuhos naman ang papuri ng mga netizen sa dalawa habang ang ilan ay ‘di napigilang ihayag sa social media ang kanilang kilig.
@saltalopez: “Wow sobra guwapo talaga. Ang galing mo pa Idol Scottie #06 NSD.”
Hirit ni @marcyap18: “Sana all.”
“Nice game idol pang mvp laro niyo ni aljon dyan at galawang triangle offence pa din lol,” paskil ni @dsaints0102.
@92jawosky: “Sana soon mga idol dito naman sa Boracay dayo kayo.”
“Sarap nmn.. suwerte ng taga-Siargao nakalaro ang mga champion,” ani @chocomartinjr. (Aivan Denzel Episcope)