Scottie ‘buburahin’ si DJ Loonyo

TABI DJ Loonyo, andito na si Scottie Thompson!

Upang malabanan ang pagkabagot sanhi pa rin ng tigil aksiyon sa PBA dahil sa patuloy na pananalasa ng pandemic COVID-19, dinaan ni Ginebra guard Scottie Thompson sa pagsasayaw ang pampalipas oras niya.

Sa Instagram post ng basketbolista ay makikita itong nagsasayaw ala-DJ Loonyo.

Mayroon na itong 19,362 views at lampas 100 comment habang isinusulat ang istoryang ito.

“A thousand Dougie,” caption ni Thompson sa kanyang dance clip.

Ilang netizen ang bumilib at nagpahiwatig na madadaig nito ang sikat ngayong dancer sa social media na si DJ Loonyo.

“My own kind of DJ Loonyo version. DjScot,” sey ni netizen @_mcnallyyy_.

“Anong siabi ng @djloonyo sa bebe ko. Pero bebe din kita Rhem,” hirit naman ng netizen na si @rioroose. (Ferdz Delos Santos)