Kasabay ng kasikatan na tinatamasa ni do-it-all Ginebra forward Scottie Thompson, dumami rin ang mga basher na humihiling ng masama sa sikat na PBA player.

Sa panayam ng Abante sa 2018 Commissioner’s Cup Finals MVP na si Thompson, inilahad nito ang pinakamatinding ‘hate’ message na natanggap simula noong umusbong ang kanyang karera sa liga.

Saad ni Thompson, may nag-message umano sa kanya na tila hinihi­ling na madisgrasya ang manlalaro.

‘Di naman natin maiiwasan ‘yung mga haters. For me ‘di ko lang talaga sila pinapansin kasi always focus ako sa game, sa career ko,’ bunyag ni Thompson.

“Pinakamatinding natanggap ko sa pangba-bash, may nagme-message sa’kin na sana mabangga na lang daw ako, ganun.”
Ngunit ani Thompson, hindi na lang aniya pinapansin ang mga basher at hindi rin ito dinadamdam ng Ginebra star.

“Pinagpe-pray ko na lang sila, wala naman akong against sa kanila opinyon nila ‘yon,” panapos ni Scottie.