Nabuwisit na ang mga netizen sa mga kumakalat na problemang naranasan ng mga atleta ng bansa Timor-Leste, Thailand, Myanmar at Cambodia sa pagdating sa ‘Pinas para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games 2019.
Unang naging isyu ang larawan sa tweet ng @AltABSCBN kung saan makikitang natulog ang Cambodia men’s football team sa carpet at upuan ng isang kuwarto sa Hotel Jen sa Pasay.
Depensa ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o Phisgoc chairman, House Speaker Alan Peter Cayetano, maagang dumating ang Cambodians sa bansa at ‘di pa agad mai-check in dahilan para patuluyin muna ito sa isang air-conditioned private conference room sa loob ng hotel.
Isa pang inamin ng Phisgoc ang kalituhan sa kung saang hotel dapat ang Timor-Leste national team kaya kinailangan pang ilipat ang mga manlalaro at team staff ng tutuluyan mula Century Park Hotel sa Malate, Manila pa-Hotel Jen din.
Naging isyu sa Thailand ang kakulangan ng supply ng tubig-inumin, paulit-ulit na nakakaumay na pagkain at traffic patungong venue, at ang Myanmar sa pagsiksik sa kanilang mga manlalaro sa isang bus na maliit.
Samantalang ang PH women’s soccer team sa pangunguna ni Hali Long inupakan ang Phisgoc ni Cayetano dahil sa late at stranded din bago nakapasok sa hotel bukod pa sa siniksik silang parang sardinas sa tutuluyan sa Biñan City.
Ang mga aberya sa 11-nation, 12-day biennial sportsfest ang pumuwersa rin sa Malacañang Palace na humingi ng paumanhin kahapon din, tapos mauna ni Cayetano.
Nagbabala si Cambodia 11 team manager Fabiano Flora na ‘di na dapat maulit ang kanilang kalbaryo at karapatan ng bansang kalahok dito na tratuhin nang maayos.
Dahil sa sunod-sunod na problema, tingin ng mga netizen ay marapat nang magbitiw si Cayetano maski limang araw na lang bago magbukas ang paligsahan.
Nagkakaisa sila sa kahihiyan ng mga Pinoy sa international community.
@GabFerrer4 “Sobrang nakakahiya na tayong mga Pilipino dahil sa mga tao ng ito tulad ni Alan Peter Cayetano at Phisgoc. #CayetanoResign #SEAGames2019.”
“Look overpriced and Alan Peter Cayetano must resign! This show that the head of #SEAGames2019 and Philippine Sports Commission officials are corrupt! Shame on you, #SeaGames2019 intention is to unite each nations and not to make your pocket full! #CayetanoResign, dagdag ni @LarryDomingo15,
@NabongRevi: “Alan Peter Cayetano YOU RESIGN!!! We are not ready but the pocket of Alan Peter Cayetano is ready. Grabe pagka corrupt hindi na nahiya, sinisira niya tayong mga Pilipino.”
“We don’t get the respect of the foreigners for these mess and yes #CayetanoResign! Now na!! ani @iamsamgreater.
Ilan pang naging isyu sa Phisgoc ang overpriced na presyo ng mga uniform ng PH athletes, maging ang P50M na stadium cauldron na nasilip ni Senate minority leader Franklin Drilon. (RMP)