SEA Games papakansela

ramil-cruz-turning-point

Ramil D. Cruz

Pinahayag noong Biyernes ni Surigao del Sur First District Rep. at National Chess Federation of the Philippines president/chairman Prospero Pichay, Jr., na hihilingin niya sa Philippine Olympic Committee executive council ang pag-atras ng bansa sa pagbalikat sa ikaapat na pagkakataon sa 30th Southeast Asian Games 2019.

Popormalisahin niya aniya ang kanyang hakbang kapag nagpulong ang POC executive council sa darating na Biyernes, Marso 29. Kasapi rin siya si Pichay sa POC bilang isa sa pitong board member.
Ang dahilan niya?

Wala pa raw kasing pormal na kasunduan ang POC at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC o pag-aatas ng una sa huli na siang magpapatakbo’t mamamahala sa 11-country, biennial sports meet na susulong sa Luzon sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Hindi pa rin daw napapasakamay ng Philippine Sports Commission ang pondo sa SEA Games na limang bilyong piso mula sa orihinakl na P7.5 bilyon na magbubuhat sa 2019 National Appropriations. ‘Di pa nalalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ito sa away ng Senado’t Kongreso.

Hindi po ako sang-ayon ang sa plano ninyo Cong. Pichay!
Unang-una, masyadong huli na para mag-withdraw ang Pilipinas bilang host ng SEAG. Pangalawa kahihiyan nating lahat kung umurong tayong punong abala rito sa huling minuto.

Kaya pa nating maisalba o ituloy ang SEAG. At ‘yan ay nasa inyong mga kamay bilang isang politiko at kung tunay kang sportsman base kahulugan ng salitang ito!
***
Salamat pala sa mga nakasama ko sa masaya at makabuluhang outing-overnight swimming noong Sabado, Marso 10 sa isang resort sa Silang, Cavite.

Sila po ang mga kaklase ko sa Grade 5 noong 1981 at 1982 sa Fernando Maria Guerrero Elementary School sa Paco, Maynila na sina Enrique ‘Toto’ Valera ng Van For Rent (1589 Main cor. 6th Sts., Fabie Estate, Paco, Maynila) at Rodeon ‘Rhod’ Orario.

Siyempre sa mga ka-batch naming sina Brando Barrientos ng Sampaloc, Manila, Sonny Catallo ng Bulacan, Gemma Dinero Calipjo ng Ret Enterprises clothing lines company (Block 2, Lot 156, Phase 2 Extension, Mabuhay City, Paliparan, Dasmariñas City, Cavite), Imelda Posadas Sarsonas ng Caren’s Sweet Corner (Blk. 1, Lt. 24, Ph. 9 Villa Rosa Estrella, San Pedro City, Laguna);

Millet Ricarte Dejucos, Belinda Ignacio, Mary Ann Mariveles, at kay FMGES Batch 1983 Rebecca Geronimo Araña ng McKai Party Needs (2040 Onyx St., Paco, Mla.), Gaspar Dejucos, at iba pang mga bumahagi sa okasyon.