Exempted na sa pagku­ha ng Overseas Employment Certificate (OEC) ang mga balik-manggagawa na magbabakasyon lang sa Pilipinas at babalik rin sa kasalukuyang employer.

Ang exemption ay pinagtibay ng board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nangangahulugan ito na iyong mga overseas Filipin­o worker (OFW) na may bagong kontrata na lang ang kailangang kumuha ng OEC.

Ang OEC ang nagsisilbing patunay na ang isang Filipino na paalis ng bansa ay isang OFW na dapat bigyan ng terminal fee exemption at dapat bigyan ng refund sa travel tax.

Responsive

Ang development na ito tungkol sa OEC ay isa pang patunay na responsive ang kasalukuyang administrasyon sa concerns ng OFWs.

Imagine, ang tagal-tagal na nating binabatikos iyang OEC ay mabibigyan rin pala finally ng solution ngayon.

Pero, as I’ve always maintained, kahit sabihin pang hindi na hassle kumuha ngayon ng OEC via online registration, we still want to see the OEC requirement abolished once and for all.

Pila ng seafarers

Isa pang development ang malamang ay ikatuwa ng ating seamen ay tungkol naman sa pagkakaroon ng online registration ng seafarers na siyang ipapalit sa Seafarers Registration Certificates.

Ang online registry sa seafarers ang siyang tatapos sa mahabang pila sa pagkuha ng SRCs ng tinatayang 50,000 SRC applicants kada taon.

Ang pagkakaroon rin ng online seafarers’ re­gistry ang first step upang makapag-isyu ng universal ID para sa mga Pinoy seamen na tatanggapin sa lahat ng government agencies.

ILO Convention 185

Ang ID ay isusunod rin sa ILO Convention No. 185 ang Seafarers’ Identity Document Convention upang magkaroon ng acceptability at recognition sa iba’t ibang foreign ports.

Ang ID numbers na ibibigay sa seafarers ay “perpetual” o permanenteng numero na nila kung kaya magiging mas madali ang pag-access sa kanilang records.

Exciting times

These are exciting times para sa landbased at sea-based OFWs. Ang daming pagbabago na nangyayari na naglalayon na gawing mas madali ang proces­sing ng mga dokumento ng OFWs­. Change is here.

Follow Me On Twitter @beeslist. Kung may mga request o komento, hinaing o pagbati, tumawag sa 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com