Ipababatid ni Team Pilipinas Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramriez ang mga situwasyon at kaganapan sa Office of the President sa kasalukuyang paghahanda ng bansa para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games 2019.
“I will be submitting a positive report to Malacanang,” hayag ni Ramirez Huwebes tapos ng serye ng pulong sa mga opisyal ng mga national sports association at coaches ng mga national team.
Handa si Ramirez na ibigay sa Office of the President sa pamamagitan ni Secretary Salvador Medialdea ang lahat ang mga detalye sa paghahanda ng Team Pilipinas sa pagsabak sa biennial sportfest sa darating na Nob. 30-Dis. 11.
Maaalalang unang tinanggihan ang metikolosong posisyong CDM, napilitan si Ramirez na tanggapin ang posisyon base na rin sa utos ng Malacanang na umaasang magkakaroon ng pagkakaisa sa komunidad ng sports tapos ng gulo sa Philippine Olympic Committee.
“I am heartened to see their show of support and commitment,” sabi ng CDM tapos na maraming dumalo at maging positibo ang kaganapan sa assessment meeting sa NSA presidents at secretary general nakaraang linggo at ang pakikipagtalakayan sa national coaches sa linggo namang ito.
“It was a good chance to get updated not only on preparations for the Games but with their concerns in general,” paliwanag ni Ramirez. (Lito Oredo)