SEAG hoops binalik sa MOA ni Suzara

Isasagawa na sa Mall of Asia Arena bilang opisyal na lugar ang mga laro ng basketball sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nob. 3-Dis. 11.

Ito ang inihayag ni Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) Executive Director Ramon Suzara.

Nagkasundo sina Suzara at ang MOA management sa pangu­nguna ni SM Lifestyle COO Herman Medina-Cue sa pagselyo nito sa kasunduan Miyerkoles ng umaga.

“It’s very fruitful, very successful, and confirmed,” sabi ni Suzara na nakahinga nang maluwag sa pagresolba sa isa sa mga malaking isyu na kinakaharap ng bansa sa kada dalawang taong palaro. “One big thing has been resolved today.”

Unang nagkaproblema ang Phisgoc matapos na itakda sa 5,500-seater na Filoil Flying V Centre sa San Juan ang paggaganapan ng basketball, hindi alinman sa mas malaking 20,000-seater MOA o 18,000-seater na Araneta Coliseum.

“Everyone is happy that basketball, Team Pilipinas will be playing here at MOA,” panapos ni Suzara, na pinuna rin ng Samahang Basketbol ng Pilpinas sa unang hakbang na ‘di sa MOA idadaos ang mga laro.(Lito Oredo)