SEAG: Jaja, Dindin pipilay sa PH team

SEAG: Jaja, Dindin pipilay sa PH team

Magpupulong ngayon ang Larong Volleyball ng Pilipinas, Incorporated (LVPI) upang pag-usapan ang kinakaharap na malalim na problema hinggil sa pagbuo ng dalawang pambansang koponan partikular sa kababaihan dahil sa posibleng ‘di paglalaro ng magkapatid na sina Alyja Daphne ‘Jaja’ at Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago.

Napag-alaman sa isang mataas na LVPI official na nagpatawag ng meeting ngayong hapon upang resolbahan ang kinakaharap na suliranin sa mga volleyball player.

“We have a big problem regarding Dindin and Jaja. Baka ‘di sila makalaro sa national team sa SEA Games and that is a huge problem for us if we really want to form the strongest and the most competitive volleyball team ever,” sabi ng opisyal na tumangging magpapangalan.

Si Jaja ay nakatakdang maglaro para sa isang commercial team sa Japan at inaasahan lang na makakasama ng PH 6 isang linggo bago isagawa ang 30th SEAG, habang si Dindin ay iniulat na may injury.

Ang ibang nasa SEAG volleyball pool bukod sa magkapatid na Santiago ay sina Mika Reyes, Alyssa Valdez, Majoy Baron, Denden Lazaro, Frances Molina, Julia Morado, Mylene Paat, Jema Galanza, Aiza Maizo-Pontillas, Alohi Robins-Hardy, Dawn Macandili. Kath Arado, Eya Laure, Tots Carlos, Celine Domingo, Angel Cayuna at Jerili Malabanan. (Lito Oredo)