SEAG, World Cup magkaiba – Cone

Malayong-malayo, ibang-iba ang SEA Games sa World Cup.

Giit ni Tim Cone, ‘di dapat pagkumparahin ang dalawang torneo at ‘di rin dapat iham­bing ang kanyang Gilas-SEAG sa Gilas-Worlds.

Isa ang ­kaibigan ­niyang si Rajko ­Toroman sa nagsabing mas magandang komposisyon ng sumabak sa SEAG kumpara sa ipinadala sa China. Si Toroman ang unang humawak sa programa ng Gilas noong 2009, coach na ngayon ng Indonesia na sinipa ng mga Pilipino sa semis ng Games 97-70.

“You just cannot compare with the team that competed in the World Championship,” salo ni national coach. “The level of competition is completely different.”

Dominado ng Pinoy ang kumpetisyon sa Southeast Asia, samantalang mga pinakamatitindi sa buong mundo ang hinarap sa Worlds.

Sa SEAG lang ay ninerbiyos na ang two-time PBA grand slam coach. ‘Di raw niya maisip kung gaanong pressure ang naramdaman ng mga nauna sa kanyang sina Chot Reyes at Yeng Guiao sa Worlds.

“I was telling someone that I’m here in the SEA Games and there’s a good chance I’m gonna win. Still, I’m a bundle of nerves. I got a bad stomach and I’m so nerbiyoso,” pag-amin ng Ginebra mentor. (VE)