Patuloy na nagpapamalas ng husay ang mga Pilipino sa pinakabagong electronic sports o eSports.
Ito ay matapos na magwagi ang Sealteam Peenoise ng ikalawang puwesto sa ginanap na Rules of Survival SEA Survival Championship nito lamang unang Linggo ng Enero 2019.
Kabuuang 15 koponan mula sa iba’t-ibang bansa ang nagsagupa sa kinagigiliwan na bagong application partikular mula sa Pilipinas.
Kabilang pang sumali ang Vietnam, Indonesia at Malaysia na tanging hangad ang pagpapakita ng kahusayan at maiuwi ang pinakamalaking parte sa nakatayang US$11,600 na mga premyo.
“Our goal is to represent the country in the international arena” bigkas ni John Kirk Magbanua, ang team skipper ng Sealteam Peenoise. “We trained and prepared hard for this, and we are proud of our achievement.”
Ang iba pang koponan na nagrepresenta sa Pilipinas ay ang Savage Gaming na tumapos sa ikaapat na puwesto sa final score na 1,555, ang Team Marshall na may 1,020 para sa lumangding sa ika-10, ang Comeback na nasa 11th sa natipong 915 points, at ang Evo Groundz na may 675 puntos para sa ika-12 puwesto.
“This kind of tournament hones local talents to be better,” hirit ni Henry Zhao, ang Nimo TV Overseas Executive. “We believe that by exposing them to this kind of tournament, we are helping them improve their talents and skills and eventually be ready in competing globally.”
Ang Rules of Survival South East Asia Survival Championship ay eksklusibong ipinalabas naman sa Nimo TV.