Maraming nawala sa Ateneo papasok sa UAAP 83rd Season 2020.
At ‘di basta-basta ang mga nagsitapos na manlalaro.
Nandiyan ang magkapatid na Mike at Matt Nieto, PBA top pick Isaac Go at three-time UAAP Finals MVP Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III.
Kung titingnan sa papel ‘di talaga magiging madali ang quest para sa three-peat ng mga agila dahil sa paglisan ng mga nasabing manlalaro.
Ngunit ngayon ay napanatili pa rin nila ang top contender spot sa pagbabalik ni Sean Dave Ildefonso.
Nilinisan ni Dave ang Ateneo para sumapi sa kanyang ama at kapatid sa National University.
Ang nasabing desisyon ay ‘di nagustuhan ng ex-Gilas coach at ngayo’y Ateneo tactician Tab Baldwin, nagkaroon pa ng iringan at may mga masasakit na nasabi sa isa’t isa.
Ngunit all’s well that ends well, ika nga.
Magkakasama na uli sila, papalipasin lang ang isang season ay paniguradong ‘di mawawala sa rurok ng tagumpay ang Blue Eagles.
Sa kanilang juniors division ay may ilan ding manlalaro na superstar in the making ang potensyal.
Ito ay ang dating Gilas cadet na si Forthsky Padrigao at athletic wing na si Lebron Lopez.
At sa pagtitimon ni coach Tab, ‘di malayo na matagal-tagal pa ang paghahari ng Ateneo sa UAAP men’s basketball.