Dapat na umanong i-ban ng Google na lumabas sa kanilang Play Store ang mga online len­ding app na pinasara ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon sa SEC, hiniling na nila sa Google na i-block ang mga ope­rator ng 30 lending app na ipinasara dahil sa mga reklamo at kawalan ng lisensya.

Sinabi ni SEC Chairman Emilio Aquino na 30 lending app ang kanilang ipinasara dahil walang lisensya na kailangan para makapag-operate ng negosyo.

Sinuman sa mga ito na magpapatuloy sa kanilang operasyon ay mananagot, ayon sa SEC.

“We will file criminal char­ges against them,” sabi ni Aquino.

Marami umano sa mga nasabing online lending app ay hindi na ma-access sa internet.