Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
3:00 p.m. — Thailand vs. Indonesia
5:00 p.m. — Myanmar vs. Vietnam
7:00 p.m. — Malaysia vs. Singapore

Kumpara sa Myanmar, mas mahirap na oposis­yon ang hinarap ng Gilas Pilipinas sa Singapore kagabi, pero pareho rin ang resulta: tambakang ­panalo ng Filipinos.

Sa Day 2 ng SEABA Championship sa Smart Araneta Coliseum, inekisan ng Filipinos ang ­pangalawang panalo nang ilampaso rin ang ­Singapore, 113-66.

Tinambakan ng Gilas ang Myanmar ng 107 points (147-140) sa opener noong Biyernes.

Kinabig ng Pilipinas ang 32nd straight win sa ­biennial event, huling natalo sa Indonesia noong 1996.

Iniskor ng Gilas ang unang 11 points ng laro bago pumasok sa scoreboard ang Singapore. ­Kontra Myanmar ay 17-0 ang Nationals.

“We wanted to beat our hustle numbers from last night,” lahad ni head coach Chot Reyes. “I know that we did that in the first half. But we had a poor second-half, hustle-wise, effort-wise.”

Napatawag ng timeout si Reyes bago natapos ang first quarter. Nakadalawang hingi siya ng time kagabi, wala siyang tinawag kontra Myanmar.

Natapos pa rin ang opening frame sa 31-9 lead ng Gilas. Bahagyang nakapalag ang Singaporeans na nagsalansan ng 20 at 22 points sa second at third quarters, pero sapat na ang naipundar na mala­king lead ng Nationals para tumuloy sa panalo.

Muling pinangunahan ng 16 points ni Calvin Abueva ang Gilas, may tig-14 sina Andray Blatche at Allein Maliksi, 13 kay Matthew Wright. May nine rebounds pa si Blatche, namigay ng five assists si Jayson Castro.

Sunod na haharapin ng Gilas mamaya ang ­Malaysia, 64-42 loser sa Indonesia kahapon.

Tinalo rin ng Thailand ang Vietnam, 76-51. Tulad ng Filipinos, 2-0 rin ang Indons at Thais.