Natuklasan ng mga tauhan ng Commission on Human Rights (CHR) ang isang sikretong selda na itinago sa isang “book shelf “ sa loob ng Manila Police District-Police Station 1 sa Tondo, Maynila.
Pasado alas-siyete ng gabi nang isagawa ng CHR ang pagsalakay sa pangunguna ni Atty. Gilbert Voltaire matapos ang natatanggap na sumbong na ikinukulong sa isang sikretong selda ang mga naarestong suspek na may kinalaman sa ilegal na droga na ipinatutubos ng mga pulis na MPD-PS1 sa kanilang mga kaanak sa halagang P40,000 hanggang P200,000.
Bago nadiskubre ang sikretong kulungan tinanong muna ng CHR kung may iba pa bang kulungan bukod sa regular na selda pero itinanggi ito ni PSupt. Robert Domingo, station commander ng MPD-PS1.
Pero may narinig na sigaw na parang nanggagaling sa aparador at nang alisin ang book shelf dito na tumambad ang 12 nakakulong na may dalawa pang menor de edad na babae.
Masusi naman iniimbestigahan ng CHR kung lumabag sa RA 9745 kilala bilang anti torture law ang MPD-PS1.
Samantala, pinabulaanan naman ni Domingo ang paratang na ilang araw nang nakakulong ang mga bilanggo pero walang isinasampang reklamo sa kanila.
Ayon kay Domingo, kahapon lamang ng madaling-araw nahuli ang mga suspek sa isinagawang one time big time operation.
Naantala lamang ang pagsasampa ng kaso dahil isa lamang ang kanilang computer.
Sinabi rin ni Domingo na holding area lamang ang natuklasang selda at kumpleto umano ito sa pasilidad.
ANO BA KAYO,!!.. HINDI NYO PARIN KAYO NAKAINTINDI? Diba SINABI NA NI MAHAL NA PANGULO AT INUTOS NA NIYA SA KANYA KAY BATO DELAROSA NA KUNG ANG PULIS AY MA IINVOLE SA DROGA AT RANSOM AY KAKAMPIHAN NIYA?..wala na tayong magawa sa atiNG mahal na pangulo..kaya tumahimik na lang kayo kasi may ibang paraan si pangulo natin.
Wla na ksi magatasan kaya nag isip ng panibagong pagkakaitaan ang mga bwisit. Sibakin lahat yan.
Don’t worry PSupt. Robert Domingo, sagot kayo ni President basta droga laging sasabihin ninyo ang dahilan. Case dismiss kayo.
tanungin nyo si estrada kung anong aksyon ang gagawin.
Dalawang menor de dead na mga babae ikinulong sa isang sekretong kulungan? Napakawalanghiya naman ng mga pulis na yan. Dapat sa station commander na yan ay bitayin. Abangan natin ang gagawing aksyon ng administrasyon na ito kung meron man.