Hinikayat ni Sen. Bam Aquino ang pamahalaa­n na papanagutin ang mga pulis na nasa likod ng sikretong kulungan na natuklasan sa loob ng istas­yon ng pulis sa Maynila.

“Hindi katanggap-tanggap ang ganitong pagmamalabis. Kailanga­n itong maimbestigahan at matigil,” wika ni Sen. Aquino, na tinutukoy ang tagong kulungan na nabuking ng Commission on Human Rights (CHR) sa loob ng Raxabago police station sa Tondo, Manila.

Labindalawang katao, na pawang nahuli sa anti-illegal drug operations, ang nakitang nakakulong sa loob ng tagong piitan.

“We have to be serious about making erring policemen accountable, otherwise these abuses will continue and even flourish,” dagdag ni Sen. Aquino.

Bilang nangungunang ahensiya sa digmaan ng pamahalaan kontra drog­a, hindi dapat sirain ng Phili­ppine National Police (PNP) ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pagtiyak na maparurusahan ang mga tiwaling pulis.

“Nakasalalay ang tiwala ng sambayanang Pilipino sa mga susunod na hakbang ng kapulisan. Kailangang paigtingin ang kampanya laban sa mga iskalawag na pulis at pang-aabuso,” wika ng senador.

6 Responses

  1. Please lang po wag na kayong makisawsaw dahil hindi naman ninyo kayang ipagtanggol ang Pilipinas. Si Ninoy at ang anak niyang si Noynoy kayang kaya nila ipagtanggol ang Pilpinas.

  2. Huwag niyo ng sayangin ang laway niyo at ang pera ng bayan sa panukalang imbestigasyon sa secret jail. Kahit mapatunayang nilabag ng mga pulis ang karapatang pantao ng mga ikinulong, aarborin din ni Duterte ang mga pulis na yan. Bulag ba kayo at hindi ninyo nakikita ang mga pangyayari? Ano ang kinalabasan ng mga hearing ninyo sa kaso ni Espinosa? Nasaan na ang mga pumatay na mga pulis? Bakit ninyo sasayangin ang pera ng bayan sa mga hearing ngayong alam ninyong full pardon din ang ibibigay ni Duterte kapag napatunayang nagkasala nga ang mga pulis? At ang isa pa, kapag inungkat ninyo ang command responsibility, hinding hindi papayagan ng mga alipores ni Duterte sa senado na magkaroon ng hearing.

    1. Yong mgasasaka sila ang nagbii ng kanilang sinasaka bago sasabihin kinuha ito ng may lupa. Ba naman hindi naman tutuo yan. Kung gusto ninyo magkalupa magsikap kayo, Magtrabaho kayo at magtipid. Huwag kayong maganak ng maganak ng hindi kayo maghirap. gusto lang ninyo ang sarap bago takot kayo sa hirap.