Lalo umanong guguho ang tiwala ng publiko sa Philippine National Police (PNP) kung ibabaon lang sa limot ang secret jail sa Manila Police District (MPD) Station 1 at walang mapaparusahan.
Ito ang babala ni Siquijor Rep. Ramon Rocamora kaya inihain nito ang House Resolution (HR) 950 para hilingin sa Commission on Human Rights (CHR) na i-convene ang Oversight Committee sa ilalim ng Anti-torture Act na siyang mag-iimbestiga sa natuklasang secret jail sa Tondo, Manila.
“The Oversight Committee can assure the public of an unbiased and fair investigation. It includes chairpersons from the justice and human rights committees from both houses of Congress and also the minority leaders of both houses,” ani Rocamora.
Sinabi ng mambabatas na kailangang isang independent body at hindi lang ang PNP ang magsasagawa ng imbestigasyon upang magkaroon ng makatotohanang resulta at maigawad ang nararapat na parusa sa mga nagkasalang kagawad ng PNP.
Kailangang magawa, aniya, ito sa lalong madaling panahon kung nais ng lahat na maisalba sa tuluyang pagguho ang tiwala ng taumbayan sa PNP bukod sa magpapagtuloy ang ganitong gawain ng mga tiwaling pulis kapag walang naparusahan sa nasabing insidente.
“If left unchecked, these violations of human rights can lead to a culture of impunity and erosion of public trust in our institutions,” ayon pa kay Rocamora.
Nais din ng mambabatas na palawakin ang imbestigasyon ng oversight committee kung gaano kalala ang pang-aabuso ng mga pulis sa kanilang kapangyarihan sa gitna ng giyera kontra ilegal na droga.
Base sa mga report, ikinukulong sa secret jail ang mga hinuling pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga upang ipatubos sa kanilang kaanak kaya kahit ilang araw na sila sa kulungan ay hindi pa sila kinakasuhan.
HINDI DAPAT KASALI ANG PNP SA IMBESTIGATION NG KASONG ITO, TIYAK NAMANG PAGTATAKPAN NILA ANG MGA MALING GAWA NILA, NAUNA NA NGANG NAGSALITA ANG PNP CHIEF NA NAGPAPAHALATANG WALANG ALAM SA BATAS NA SUMASAKOP SA KANILA AT VERY UNPROFESSIONAL AT KABOBOHAN ANG BINITAWANG SALITA.
Secret jail, kaya nga secret jail paanong nakita yan? secret nga! Yung opisina ng CHR gawing detention cell ng mga drug addict at drug pushers para me silbe ang CHR, dapat buwagin nato, imbestigahan niyo yung panununog ng NPA sa kumpanya sa Davao City,wag kayong naka sentro sa PNP violation ng NPA di niyo imbestigahan,Buwagin na ang CHR puro gago mga commissioners dito.
Existed na yan dati pa. Alam na rin yan ng mga taga CHR dati pa at kumuha lang ng tyempo si CHR Gaston para ipahiya si Duterte nung nakaraang Asean Summit pero di nag click.https://uploads.disquscdn.com/images/d42ea41f01700b06c47c8bbfee7348d283ac6088ecc0364bf35e1a184ac4f161.png
SO THE PAST 5 YEARS WALANG GINAWANG TAMA ANG PNP NA ALISIN ANG SECRET JAIL NA ITO, PRUWEBA NA 5 YEARS NA SILANG LUMALABAG SA BATAS AT GINAGAMIT NILA SA ILLEGAL NA GAWAIN NILA GAYA NG PANGINGIKIL SA IKINUKULONG NILA DOON. LIHIM NA GINAWA NILA PARA SA EVIL ACT NA GAGAWIN NILA, WHAT ELSE?????
Hintay lang meron pa ilalabas ang CHR nyan na hindi nila inilalabas dati..