Secret ng DongYan ibinunyag na

Ang guapo-guapo ni Dingdong Dantes sa suot niyang Dolce and Gabbana suit na ayon mismo sa actor, eh regalo ni Mrs. Marian Rivera-Dantes sa kanya. Ang taray ni Marian, talagang only the best for her husband.

Sa true lang, mamahalin ang D &G suit, huh! Parang isang barangay of informal settlers na yata ang puwede mong pakainin dahil talagang pang-alta ang presyuhan ng suit ensemble na suot ni Dantes.

Sa mga titili na naman diyan na naging insensitive ang mag-asawa, sinagot lang ni Dingdong ang tanong na who are you wearing, nagpakatotoo lang po si Jose Sixto .Masaya siyang ibinahagi na ang kanyang mapagkalingang maybahay ang nagregalo nito sa kanya. Wag na humanash at kumuda pa. Wala kasing punto, okay?

May panayam sa mag-asawang Dantes at sila ay tinatanong kung ano ang sikreto sa kanilang masayang pagsasama. Ang sagot ni Jose Sixto sa tanong: “Payo ito ni ninong Ogie (siyempre pa si Ogie Alcasid ang gusto niyang sabihin at hindi si Madam Ogie Diaz), for you to have a happy life, dapat a happy wife.”

Na agad-agad namang sinang-ayunan ni Mrs. Dantes na ang ganda-ganda naman talaga sa suot niyang parang peach evening dress na may butterflies sleeves.

May sundot ang nagtanong kung sino ang boss? Parang hindi agad nakasagot si Dingdong, nag-isip muna at binunghalit na “Si Zia!” Of course second the motion si Marian sa sagot ni Dong kahit pa nga may nakakatuwa itong facial expression with matching parang mga matang tumitirik. Parang inaasahan niya na pangalan niya ang marinig na sagot mula sa asawa. Nung marinig niyang ang panganay nilang babae ang sagot, siyempre pa, mas lalo niyang kinalugod.

Panalong panoorin ang nasabing bidyo kasi nga kitang-kita mo na the look of love are still in the eyes of the couple. Ngayong may Zia at Ziggy na sila, parang mas lalong tumatatag at tumitibay ang kanilang romansahan at pagmamahalan sa isa’t-isa.

Starlet naglipana sa TikTok

Dahil nga lahat tayo ay cocooning sa ating mga tahanan dahil sa pisting veerus, marami talaga ang kinakarir ang pag-ti- TikTok.

Ang kapansin-pansin lang, kahit karamihan sa kanila ay cute, parang halos lahat, lalo na sa mga kalalakihan, may macho dancer aspirations yata dahil ayaw paawat ang mga paggiling at pagkanyod, showing off their fit bodies, formed arms at yes, pasilip kung pasilip sa mga kili-kili nila.

Ang ilang sa mga pumakaw sa aking pansin, ang kay haharot na the movies ni Kokoy De Santos, ang lalaking isa sa mga bida sa Fuccbois na siyang power bottom ni Royce Cabrera.

May libog at pangkiliti ang mga pangmalakasang galawan ni Kokoy, sa true lang.

Si Gab Lagman, na katakam-takam pa man din ang katawan, kung anong lambot ni Kokoy sa paggiling, para naman siyang lalaking may mansanas sa mga kili-kili ang galawan. Matigas na matigas ang bruho, lalaking tuod yata ang inspiration.

Sa mga ka-Dos naman, si Andre Brouillette, na may kasama pang afam, mahusay rin ang the moves pati ang pag-lip sync.

Of course, kahit nga tapos na ang maliligaya nilang sandali, ang best perk upper pa rin para sa inyong diva that you love, ang lambingan nina Awra Briguela at Fong dela Cruz na talagang ultimate in twink and pink baby loving.

Robi yummy pag pawisan

Sa true lang, ang diva that you love, hindi makapaniwala na marami palang mga bakla ang may crush means pagnanasa para kay Robi Domingo. Hindi lang basta paghanga ha, talagang pangmalakasang pagnanasa sa binatang alta at sosyalin.

Ilang beses ko na ring nakita sa iba’t-ibang pink portals ang mga papuri kay Domingo partikular na sa boyish nitong pagmumukha, katawang pang-romansang saktong-sakto lang at mga kili-kili na parang ang may armpits fetish. ‘Yung tipong gustong amuyin at singhot-singhutin ang body parts na ito ni Robi.

May isang bagong posting tungkol sa host na ang nakasaad ay “Pota! Lalong sumasarap si Robi pag pinagpapawisan” at ang saplot nito ay isang gray sando, nakapamewang, at kitang-kita nga naman ang kanyang pawis that made him glisten, glow at mas lalong naging guapo looking.

Si Robi pala yung hombre na kahit pawisan, parang hindi ka mandidiri. Kahit siya ay nanlalagkit, naglalapot at literal na oily ang face. Huggable na huggable pa rin siya, as I judge his picture na posted and shared online.

Ang sey ko lang kay Robi, kay swerte ng karelasyon niyang babae dahil palong-palo ang binatang sugar and spice and all that is nice. Huwag niya nga lang ipangalandakan na siya ang nagmamay-ari sa puso at puson ni Robi dahil may chance na forever is not enough ang pangraratrat sa kanya mula sa mga nai-elya sa tv host.