Security, economic at defense issues tatalakayin sa Japan visit

Seguridad, ekonomiya at usapin ng pangdepensa ang tatlong malalaking isyu na tatalakayin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa Japan.

Lilipad ngayon patungong Japan ang Pangulo para sa kanyang tatlong araw (Oktubre 25 hanggang Oktubre 27) na official visit, na inaasahang higit pang magpapasigla sa ugnayan ng dalawang bansa.

“The President leaves… for Japan. It will be on time to celebrate also the 60th anniversary of the renewal of ties between Japan and the Philippines. Presi­dent Duterte will be discussing security, economic and defense issues with their Prime Minister (Shinzo Abe) during the three-day trip that is seen to conti­nue the Philippines’ efforts to bolster strategic partnerships with its Asian neighbors.

President Duterte also plans to observe the Japanese ship building process as maritime cooperation continues to prosper… There will be at least nine more vessels apparently that are about to be released,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa briefing sa Ma­lakanyang kahapon ng hapon.

Sinabi pa ng Palace official na walang pulitikang agenda sa three-day trip ni Pangulong Duterte sa ­Japan.