Nakahanda ang gobyernong Duterte na pagkalooban ng mga kinakailangang seguridad si Senadora Leila de Lima.
Matatandaan na naghihimutok ang senadora dahilan sa “feeling” nito ay hindi na siya ligtas kasunod ng umarangkadang pagdinig ng Kamara patungkol sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, nakahanda itong makipag-ugnayan kay De Lima para malinawan at mabatid ang usapin sa safety nito.
“…let me call the senator and ask her. You know everyone is assured. We are all Filipinos.
We are citizens of this beloved country…at lahat po tayo bilang Pilipino ay may karapatan ho tayo na bigyan seguridad ng ating kapulisan at ating mga sundalo,” paghahayag ni Andanar.
Kung pakiramdam ni De Lima ay tagilid at delikado ang buhay nito ay ito, aniya, ang higit na nakakaalam.
Muli ring iginiit ng Palace official na hindi nanghihimasok ang Palasyo sa mga ginaganap na pagdinig sa Kongreso.
“‘Yung basis ho na ‘yun ay si Senador De Lima lang ho ang makakasagot dahil hindi pa ho kami nag-uusap tungkol doon sa sinabi niya.