By Allan Bergonia
Sa paghahanda ng unang araw ng pasukan bukas, magpapakalat ng higit 50,000 na pulis at force multiplier sa iba’t ibang bayan ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor) regional director P/Gen. Ismael Ephraim Dickson, ito ay upang bigyang seguridad at kapayapaan ang mga estudyante sa unang araw ng pasukan sa buong CAR.
Sinabi ni Dickson, mahigit 30,000 na pulis at mahigit 10,000 na force multiplier ang magtutulungan sa monitoring sa klase ng mga estudyante sa nasabing rehiyon.
Aniya, pangunahing tututukan ng PRO-Cor ang mga kalsada na kadalasan pinangyayarihan ng trapiko pati na rin sa pagsusuri sa mga sasakyan para maiwasan ang overloading at pagbibigay nila ng information education sa mga driver tungkol sa batas-trapiko.
Dagdag pa ni Dickson, maglalagay sila ng mga traffic sign para sa mga loading at loading zone malapit sa mga eskuwelahan.