Sa loob ng dalawang buwan, naging malaki na ang pagbabago sa pamamalakad sa sistemang pang seguridad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ang pinagmalaki kahapon ni PNP-Special Action Force Spokesperson Inspector Jonalyn Malnat makaraang ang mga tauhan ng SAF ang mga nakatalaga para tumulong sa Bureau of Correction (BuCor).

Ayon kay Malnat, nasa dalawang buwan nang nakatoka ang mga tauhan ng SAF sa nasabing piitan na kung saan natututo na ang mga inmates at kanilang mga kaaanak na bumibista sa dapat lamang nilang posisyon.

“Dati-rati po ay nakaka-diretso sa loob ng selda ang mga bisita ng mga preso nang walang kahirap-hirap, pero po ngayon ay mayroon nang itinakdang lugar para lamang doon makabisita o magkita ang inmate sa kanilang mga mahal sa buhay” ani Malnat.

Isang paraan lamang aniya ito ng pagpapatupad ng disiplina sa loob at labas ng bilibid at para maiwasan na ring makapagpasok ng mga kontrabando.

Aniya, mayroon na rin mga pakikipagdayalogo na ginagawa ang mga tauhan ng SAF at mga pa­ng­kat lider sa loob ng bilibid.

Ito aniya ay para makumbinsi ang inmates na wala silang dapat ipangamba sa pagbibigay ng seguridad ng SAF sa NBP.

Ayon pa kay Malnat, sa mga dayalogong ito lu­malabas ang pagkukusa ng ilang inmates na magbigay ng impormasyon tulad ng kung nasaan ang mga kontrabando sa kanilang selda.

2 Responses

  1. sana po lagyan ng x-ray machines ang NBP para ma-iscan muna ang mga dala nilang gamit( mga bisita) bago pumasok sa bilanggoan..ako ay nakapasok na sa mga bilanggoan ng ibang bansa sa middle east at mahigpit sila lalo na sa mga maximum security na piitan.