KUALA LUMPUR — Isa ang problema sa seguridad kaya aligaga rin ang ibang member-countries ng Southeast Asian Games Federation (SEAGF) na dumayo sa Pilipinas para sa SEAG 2019.

Noong nakaraang buwan, binitawan ng Pilipinas ang hosting chores ng biennial meet na sinalo mula sa Brunei.

Nitong Huwebes, kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Caye­tano na all-in na ang bansa sa 2019 SEAG hosting.

Nai-report na rin ni Philippine Olympic Committee (POC) president Peping Cojuangco ang pinakahuling kaganapan sa meeting ng SEAGF dito sa Malaysian capital na pinagdarausan ng 29th SEAG. Pagkatapos ng 12 taon, balik sa Pilipinas ang biennial meet.

Inamin ni SEAGF council president HRM Yam Tunku Sri Imran na ilan sa 34 miyembro ng assembly ang nag-alala dahil baka raw hindi safe ang Pilipinas bunga ng pag-atake ng terror group sa Marawi nitong June.

Pero agad din niyang inapula ang mga negatibong alalahanin matapos siguruhin ng POC ang safety at security ng member-countries. Full support sa event ang gobyerno ni Pangulong Duterte.

“Marawi is very far from the proposed places­ and venues of the next SEA Games,” paliwanag ni Imran. “And we are also assured that the incoming SEA Games chairman (Cojuangco) himself will receive the flag in the turnover ceremony as part of the commitment.”

Sinabi ni Cojuangco na para iwas-trapik, sa Metro Manila at mga kalapit-probinsya ang ve­nues ng susunod na edisyon ng Games, partikular sa Bulacan, Pampanga at Zambales na malapit sa Subic at Clark.