Seguridad sa tourist spots sa Thailand, hinigpitan

thailand-security

Nagpapatupad na ang gobyerno ng Thailand ng mahigpit na seguridad sa mga tourist spots at landmarks kasunod ng mga naganap na serye ng pagpapasabog sa pitong lalawigan.

Nabatid na target umano ng pagpapasabog ang mga kilalang tourist sites sa bansa.

Nalaman na nagdag­dag rin ng puwersa ng pulisya maging sa capi­tal na Bangkok at nag­lagay na rin ng mga checkpoints.

Nauna dito ay 11 pambobomba ang yumanig sa Thailand na ikinasawi ng apat katao habang marami ang sugatan.

Bunsod ng serye ng pagsabog ay hindi isinasantabi ng Thailand police ang anggulong tero­rismo sa kabila ng ulat na domestic politics ang motibo sa nasabing mga pag-atake.