Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang sekyu na rider makaraang mahagip ng isang truck at mapisak ang bungo sa Quezon City kahapon.

Ayon kay PO2 Enrico Viterbong QCPD-Traffic Sector 5 nakilala ang biktima na si Wilfredo Perez, 30, security guard ng Imi­rates Security Agency at nakatira sa No.4 Lily St., Brgy. Batasan Hills, ng nasabing lungsod.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na si Nardito Agbabao, 37, ng No.269 Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City.

Sakay umano ang biktima ng kanyang Honda XRM 125 (8219 NP)at tinatahak ang nasabing lugar nang dumating ang Mitsubishi Fuzo Fighter truck( WNF-923) na may kargang semento nang pi­lit umanong tumawid ang motorsiklo ng biktima sa kabila na naka green light na umano kaya’t nahagip ito hanggang sa makaladkad.