Selena binubuhay ang career

Dahan-dahan ang ginagawang pagbabalik sa limelight ng 26-year-old singer-actress na si Selena Gomez.

Matatandaan na sa pagtatapos ng September last year ay pansamantala muna siyang nagpahinga sa social media.

Pero ngayon, paunti-unti ay muli niyang haharapin ang kanyang career pagkatapos ng halos apat na buwan.

“It’s been a while since you have heard from me, but I wanted to wish everyone a happy new year and to thank you for your love and support.

“Last year was definitely a year of self-reflection, challenges and growth. It’s always those challenges which show you who you are and what you are capable of overcoming.”

“Trust me, it’s not easy, but I am proud of the person I am becoming and look forward to the year ahead,” mababasa sa kanyang IG account.

Ayon sa mga taong malapit kay Selena, simula pa noong isang buwan ay kinakitaan na nila ng kakaibang sigla at kaligayahan ang dalaga. Ito’y pagkatapos makumpleto ang pana­natili sa isang mental health facility.

Matindi ang pinagdaanan ng 26-year-old singer, na nagkaroon ng lupus at sumailalim sa kidney transplant last summer.

Matagal siyang na-confine sa hospital. Mula nang lumabas siya sa facility, dahan-­dahan niyang binabalikan ang kanyang normal na mga ginagawa. Una na ‘yung nakipagkita at nakipag-bonding siya sa matalik na kaibigan sa katauhan ni Taylor Swift, nito lang mga unang araw ng January kung saan ipinose pa niya ang picture nilang tatlo ni Cazzie David.

“Selena is in a really good place. She’s taking time for herself and reconnecting with friends and important people in her life. Taylor has always been a constant source of comfort for Selena, and aside from having a great friendship, the two are able to connect on a level that most will never understand,” paniniguro pa ng isang taong malapit kay Selena.