Selena binunyag ang pang-aabuso ni Bieber

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Selena Gomez tungkol sa ex-boyfriend niyang si Justin Bieber na ikinasal na kay American model Hailey Baldwin.

Habang pino-promote ang latest album niyang “Rare”, naging bukas si Selena tungkol sa past relationship niya kay Justin kung saan sinabi niyang nakaranas siya ng emotional abuse.

“I’ve found the strength in it. It’s dangerous to stay in a victim mentality,” ani Selena sa NBC News.

“And I’m not being disrespectful. I do feel I was a victim to certain abuse,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung masasabing “emotional abuse” ito, sumagot si Selena ng oo.

“Yes, and I think that it’s something that … I had to find a way to understand it as an adult,” wika ng “Lose You To Love Me” singer.

Nagsimula ang on and off relationship nina Selena at Justin noong 2011 hanggang sa kanilang final split noong 2018. 18-anyos noon si Selena habang 16 years old si Justin.

Hindi na idinetalye ni Selena ang naranasan niyang emotional abuse kay Justin. (IS)