Isang taon mahigit na rin ang nakakalipas nang maghiwalay sina Justin Bieber at Selena Gomez noong March 2018. Lumagay na rin naman sa tahimik si Justin at dalawang beses nang ikinasal kay Hailey Baldwin.
Samantala, handa na si Selena na muling buksan ang puso niya. Single at ready to mingle na ang singer.
Aniya sa Zach Sang Show nitong Oktubre 25, “I’ve been super, super single for two years and I want to know what the love will look like next for me.
“But I never want to lose the sense of love that I imagine it to be. I don’t want to get jaded or bitter from anything. I believe that it exists and I’m happy waiting for that for however long that takes because we’re gonna be like doing this forever. It’s just going to keep happening until we’re out.”
Matatandaan na naging on and off ang relationship ni Justin at Selena na nagsimula noong 2010. Ang kanyang heartbreak pa nga ang nagbukas ng pinto para sa bagong awitin na nilabas niya nitong Oktubre 23, ang “Lose You To Love Me” at “Look At Her Now”.
Naging open naman si Selena sa kanyang karanasan pagdating sa pag-ibig at nais niyang maramdaman din ng mga kababaihan ang mahiwagang pagmamahal na naranasan niya.
Aniya, “You’re in a phase of life where you experience love for the first time and I think that can just be just a little toxic.
“You have this codependency that you think is love and then you have this addiction to the passion and the frustration with each other that you think, ‘Oh, that’s love,’ or fighting or doing all this stuff, ‘Oh that’s love,’ and I believed that for a long time.”
Kung sakaling matagpuan man niya ang lalaking susunod na mamahalin, may mga bagay siyang nais na linawin.
Ani Selena, “I want it to be real and I don’t want it to be codependent or messy or lack of communication. I think you know when you get older, you find people that are actually right for you, that are actually on the same wavelength.” (Ronaline Avecilla)