Kaakit-akit ang alindog ni Selena Gomez nang dumalo siya sa kasal ng kanyang matalik na kaibigan na si Courtney Barry kay Sam Lopez. Ginanap ito sa Los Angeles noong Huwebes nang gabi.

Sa mga larawan at video na nai-post sa social media ay nakita si Selena na kamangha-mangha at agaw-pansin sa suot niyang itim na embellished gown.

Tinernuhan ng 26-taong gulang na si Selena ang kanyang itim na gown ng dangling earring at pulang lipstick. Ang kanyang buhok ay ipinusod niya na nagbigay sa kanya ng isang sopistikadang aura na lalong nagpakinang sa kanyang kagandahan.

Masayang nakihalubilo at tumulong sa pag-estima sa mga bisita hanggang sa reception si Selena bago tinungo ang photo booth. Mukhang nag-enjoy siya sa pagpo-pose at pagpapakuha ng larawan. Hanggang sa hindi niya napigilan ang sarili nang patugtugin ang awitin ni Cardi B na I Like It. Nandun na siya sa stage na hindi napigilang mapaindak na siyempre pa ay nagustuhan at pinalakpakan nang husto ng mga bisita.

Meron siyang bagong ilalabas na awitin kung saan kasama niya si J Balvin, Benny Blanco at Tainy na ang title ay I Can’t Get Enough’. Ngayon pa lang ay inaabangan na ng kanyang mga tagahanga dahil masyado silang nasabik sa kanya.