Selena Gomez nalagpasan ang depression

Blooming ang music icon na si Selena Gomez sa kaniyang kauna-unahang red carpet appea­rance matapos ang kaniyang treatment.

Matatandaan na nagpagamot ang aktres nitong Oktubre 2018 dahil sa kanyang emotional breakdown.

Dagdag rin dito ang pagbaba ng kaniyang blood cell count na may kinalaman sa kaniyang Kidney transplant noong 2017. Kaya naman itinuon na niya ang panahon para magpahinga at hilumin ang sarili.

Dumalo ang singer nitong Abril 25 sa WE Day California’s red carpet sa Los Angeles. Ayon sa source ng Hollywoodlife na malapit sa singer, “Selena is looking and feeling better than ever right now, both mentally and physically. She’s really taking care of herself right now first and foremost, and is just focusing on being in the best place she can be.”

Sa ngayon ay nakikisalamuha na rin siya sa mga kaibigang pinagkakatiwalaan niya. Pero ang higit na inaabangan ng kaniyang mga fan ay ang muli siyang masilayan na nagpe-perform sa stage. Ayon sa kaibigan ni Selena, ay kasama rin umano ito sa plano ng singer.

Aniya, “Of course she wants to perform more again, but right now it’ll just be in spurts here and there until she’s feeling 100% ready and making it a point to go to church one if not two times a week. She’s really taking care of herself spiritually as well.”

Sa ngayon ay ang kalusugan ng singer ang top priority niya. (Ronaline Avecilla)