Selena nanindigan sa mga Instagram bully

Likas na sa singer na si Selena Gomez ang pagi­ging Samaritan, mapagbigay o matulu­ngin sa kapwa.

Hindi gaanong busy lately ang singer kaya naman kamakailan ay nagboluntaryo siya sa non-profit aiming to end human trafficking. Isa rin siya sa nanindigan sa mga Instagram bully.

Ngayon naman ay nag-post ang singer na ibibigay niya ang damit na sinuot sa “Back to You” music video.

Ani Selena sa Instagram stories: “This is my dress that I wore for the ‘Back to You’ music video, and I kind of want to give it away to someone. So if you want this dress, let me know cause I will just send it along to you ‘cause it has no use being in my closet whatsoever.”

Sa fans ni Selena na gustong mapasakanya ang napakagandang damit, i-direct message ASAP lang daw ang singer-actress.

Ilang minuto pa lang naipo-post ni Selena ang kanyang mensahe ay milyon agad ang nag-like sa reyna ng Instagram.