Selos nauwi sa LQ Coed sinundo, kinatay ng BF

Patay ang isang babaeng graduating college student dahil sa lover’s quarrel (LQ) matapos itong pagsasaksakin ng nagselos na nobyo, Martes nang gabin sa Tabaco City, Albay.

Wala nang buhay nang matagpuan alas-6:20 nang gabi ng isang Nelson Moral, ang biktimang si Jackielyn Cellona, graduating student ng Dr. Carlos S. Lanting College sa kursong Bachelor of Scienc­e in Business Administration.

Tadtad ito ng saksak at nakauniporme pa nang matagpuan ang bangkay nito sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng P1, Barangay San Antonio ng nabatid na lungsod.

Samantala, dala ng konsensya ay kusang loob na sumuko ang suspek na si Ryan Carale, 23-an­yos, sa Bacacay Municipal Police Station kasama ang kanyang ina at kapatid at inamin ang pagpatay sa nobya.

Sa imbestigasyon ng Tabaco City Police, Martes nang hapon, nang sunduin pa ng suspek ang biktima sa eskuwelahan. Habang naglalakad ay nagtalo ang dalawa dahil sa pagseselos umano ng suspek.

Sa gitna ng pagtatalo ay nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang da­laga at hinila ang bangkay sa tabing kalsada.
(Edwin Balasa)