Kung ang Department of Education (DepEd) ay hinihikayat ang mga pampublikong eskuwela­han na huwag mag-imbita ng mga politiko sa graduation ceremony nila, umapela naman ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kandidato na huwag gamitin ang paggunita sa Semana Santa para sa kanilang pangangampanya.

Ayon kay CBCP National Secretariat for Social Action Executive Secretary Fr. Edwin Gariguez, hindi maiwasan na magamit ng ilang kandidato ang mga aktibidad ngayong Kuwaresma.

“May mga kandidato kasi noong nakaraang halalan na ginagamit ang mga religious occasions para sa photo opportunities,” ayon sa pari.

“Lumalabas na mga ipokrito sila,” dagdag ng pari.