Ipinagpaliban kahapon ang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa puntod ng mga magulang nito sa Davao City.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, ang naudlot na pagbisita ay bunsod ng malakas na ulan sa siyudad.

Hindi rin aniya gusto ni Pangulong Digong na ma­ging dahilan pa ito ng mabigat na daloy ng trapiko.

Maliban dito ayaw ding magdulot ng Pre­sidente ng abala sa ibang mga bumibisita.

Posibleng hating­gabi o bandang madaling-araw ng All Souls’ Day o Nobyembre 2 bibisita sa sementeryo ng Davao City si Duterte.