TOGETHER AGAIN!
Sa unang pagkakataon, makikita ng millenials ang isang kambal na maglalaro para sa isang team sa PBA.
Pero hindi na bago sa collegiate basketball fans na makitang sabay sa court sina David at Anthony Semerad, dahil apat na taon silang magkasama noon sa four-time champion teams ng San Beda Red Lions sa NCAA mula 2010, 2011, 2013 at 2014 bago sila umakyat sa PBA.
Sa PBA, ngayon lang ulit mangyayari.Ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, huling kambal na naglaro para sa isang team sina Jing at Noli Aldanese para sa Great Taste noon pang 1975, ang inaugural season ng PBA.Kasama ni David si Brian Heruela na pinakawalan ng San Miguel Beer sa TNT KaTropa kapalit ni scoring champion Terrence Romeo.
Isinama ng SMB sa deal ang kanilang 2021 first-round pick.Magre-reunion ang kambal na Semerad sa TNT.
Filipino-Czech ang magkapatid, pero sa Australia sila pinanganak.“I’m just happy I’m joining a team with my brother,” ani David, 27.Si Anthony ay 7th pick overall ng San Mig Coffee noong 2014 pero napunta sa GlobalPort hanggang 2017 bago pinamigay sa TNT.
Barako Bull ang tumapik kay David sa 10th overall noong taon ding ‘yun pero napunta sa San Miguel. Six-time PBA champion na sa SMB si David, wala pang titulo sa pros ang kambal.
Excited na si David na maging kakampi muli ang kambal, umaasa siyang magkakampeon din sila sa KaTropa tulad noong San Beda days nila.“It’s been four years since we played together,” dagdag ni David. “We’ve grown up from San Beda, and now going in the same professional team together, it’s exciting.”