Semis target ng PHL XI sa Taiwan

Battlecry ng Philippines na higitan ang 2014 fourth place finish sa Thailand sa paghambalos sa 11th Baseball Federation of Asia Men’s Under-18 Championship sa Taichung, Taiwan sa Agosto 30-Setyembre 4.

Makakalaban ng world No. 29 Filipinos ang world No. 3 Korea, No. 19 China at Southeast Asian rival ranked 32nd Thailand sa Group B play.

Nasa Group A ang world No. 1 Japan, host at world No. 4 Chinese Taipei, No. 25 Hong Kong, at No. 49 Indonesia.

Binuo nina coaches Ruben Angeles at Wilfredo Hidalgo ang 16-man team na kinabibilangan ng collegiate stars sa pangunguna ni 78th UAAP MVP at Rookie of the Year Julius Diaz ng UST at ilang promising high school standouts gaya nina Benjamin Sarmiento ng Southridge at Fausto Eizmendi ng Brent.

Nag-training sa nakalipas na talong buwan, unang makakatapat ng PHL IX sa acid test nito rito sa opening day ang defending champion Korea sa Taichung Stadium. Kasunod ang Thais sa Aug. 31 at Chinese sa Sept. 1.

“We’re hoping to make the semifinals,” sambit ni Angeles, hinirit na ang paglahok ng Pinoy batters sa world-ranking tournament ay hakbang upang makapalo sa 2017 world championships at sa posibilidad na makarating hanggang 2024 Olympics sa pagbabalik ng sport sa 2020 Tokyo.