Sen. Bong Go lagari sa trabaho

Hinati ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang kanyang oras at araw para sa pagsisilbi sa bayan at serbisyo naman sa mamamayan.

Ayon kay Sen. Go, ang apat na araw ay kanyang inilaan para sa paggawa ng makabuluhang batas sa Senado habang ang tatlong araw ay taus-pusong pagtulong sa kapwa lalo na ang mga biktima ng sunog at iba pang kalamidad saan man sulok ng bansa.

Sinabi ni Go, nais lamang niyang ibalik sa taumbayan ang mga biyaya, grasya at pagpapala na ipinagkaloob sa kanya ng dakilang lumikha.

“Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na maging senador na isang hamak lamang na probinsyano, kaya nararapat lamang na ibalik ko ang bles­sing sa paglilingkod sa mga mahihirap na nangangailangan,” anang senador.

Aniya, naiintindihan naman siya ng kanyang pamilya kung hindi siya nakakauwi kung weekend dahil inilalaan niya ito sa public service.
Hinati ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang kanyang oras at araw para sa pagsisilbi sa bayan at serbisyo naman sa mamamayan.

Kilala ng mga taga-Davao City si Go at Pangulong Rodrigo Duterte noong alkalde pa lamang, kahit araw ng Sabado at Linggo ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng personal na pagdamay at pagbibigay ng ayuda sa mga nasusunugan, namatayan at iba pang biktima ng kalamidad.